-- Advertisements --
Stephan Schrock 1

Inaasahan ng mga Pinoy Football fans na maipapanalo ni Stephan Schrocks ang huling international game kontra sa national team ng Indonesia.

Ito’y kasunod ng anunsyo nito na buo na ang kanyang desisyon na mag retiro sa paglalaro ng football at bigyan na lamang ng panahon at oras ang kanyang pamilya.

Ang pahayag ay kanyang ginawa sa isang pre-match press conference kaugnay ng nagpapatuloy na ASEAN Football Federation Cup 2022.

Sinabi ni Shrock na sa loob ng labing isang taon na nakasama niya ang national team ay nakakalungkot pa rin ang kanyang desisyon na iwan ito.

Si Stephan Schrock ang kasalukuyang team captain ng Azkals at ang posisyong ito ay kanyang hinawakan sa loob ng maraming taon.

Matatandaan naman na minsan ng naglaro si Schrock sa Germany youth team at nagsimula itong maglaro para sa Azkals noong taong 2011 kasama ang nakaraang henerasyon ng Philippine team na pinamumunuan ni Phil Younghusband.