-- Advertisements --
Matagumpay na nadepensahan ni Pinoy boxer John Virgel ‘Valiente’ Vitor ang titulong WBO Oriental Jr. Lightweight title title laban kay Korean boxer Dong Kwan Lee.
Ginanap ang laban Huwebes ng gabi, Disyembre 8, sa Calape Bohol.
Hindi na pinaabot sa 12 rounds ang laban matapos pinayuko ni Vitor si Lee sa ikalawang round.
Kung maaalala, tatlong buwan na ang nakakaraan nang tinalo din ni Vitor ang Tailand boxer na si Arnon Yupang sa loob lamang ng dalawang round para makuha ang WBO regional crown.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang Boholano sa ipinakitang suporta ng kanyang mga fans at umaasang patuloy pa rin itong suportahan sa kanyang mga susunod na laban.