-- Advertisements --
Tatangkan ni Filipino boxer Mark Anthony Barriga na magkaroon ng upset win laban kay Jonathan “La Bomba” Gonzales ng Puerto Rico.
Nakatakdang magharap ang dalawa sa Florida ngayong araw para sa kanilang WBO junior flyweight title.
Sa isinagawang weigh-in ay tumimbang si Barriga ng 106.4 pounds haban si Gonzales ay mayroog timbang na 107.6
Ito na ang pangalawang pagtangka ni Barriga ng titulo mula ng pagkatalo niya kay Carlos Licona sa kanilang IBF minimum title fight tatlong taon na ang nakakaraan.
Sinasabing isang kontrobersiyal ang pagkatalo niya noon sa pamamagitan ng split decision.
Mayroong 11 panalo at isang talo si Barriga habang mayroong 25 panalo, tatlong talo at isang draw si Gonzales.