-- Advertisements --

Target ni world bantamweight champion John Reil Casimero na isunod si Luis Nery kapag matalo niya si Duke Micah sa darating na Setyembre.

Ito ang naging desisyon ng Filipino boxer na isunod ang dating bantamweight champion ng Mexico matapos na hindi na natuloy ang laban kay Inoue Naoya.

Ayon kay Casimero na nag-uusap na sila sa kampo nito para sa posibleng laban.

Mayroong 30 panalo at wala pang talo si Nery na mayroong 24 knockouts .

Nakatakda ring umakyat si Nery sa superbantamweight at kung sakaling manalo ito ay handang umakyat din ng timbang si Casimero.

Paglilinaw naman ni Casimero na hindi nito minamaliit ang nakatakdang laban nito kay Micha na mayroong 24 panalo at wala pang talo.