Nakaranas ng isa na namang stoppage loss ang world title challenger na si Aston Palicte laban kay Jason Moloney.
Ang laban ay isinagawa sa Marvel Stadium sa Melbourne, Australia.
Naging agresibo pa sa unang round ang 31-year-old na si Palicte at nagpakawala pa ng ilang right uppercut.
Binago naman ni Moloney ang tempo sa round two at nakabawi sa pamamagitan ng mga suntok sa ulo at katawan.
Naging palaban pa rin naman si Palicte sa sumunod na round pero nakatikim ito ng short right hand mula sa Australian na dahilan ng pagbagsak nito sa canvas.
Nalusutan din nito ang bilang ng referee pero matapos itong paulanan ng suntok ni Moloney ay dito na inihinto ng referee ang laban.
Dahil sa panalo, gumanda pa ang professional boxing record ni Moloney na 24-2 na mayroong 19 knockouts.
Ang Pinoy naman ay hawak ang record na 28-5-1 at mayroong 23 knockouts.