-- Advertisements --

NAGA CITY – Nakapagtala na ng pinakaunang local transmission ng COVID-19 sa bayan ng Sañgay, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mayor Jovi Fuentebella, kinumpirma nito na isang anak ng frontliner ang nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang lugar at kinilala ito bilang si Bicol Patient No. 6409.

Ayon sa alkalde, nag-aaplay ng trabaho ang nasabing pasyente at inobliga itong sumailalim sa swab test kung kaya dito na nabatid na positibo pala ito sa COVID-19.

Aniya, agad naman itong na-isolate gayundin ang nasa 150 pamilya o nasa mahigit 600 na mga indibidwal na na-contact trace na naging close contact in nito.

Mula sa nasabing bilang, lima dito ang nagpositibo sa COVID-19, ngunit ayon sa alkalde asymtomatic naman ang mga ito.

Sa ngayon, tiniyak naman ng alkalde na na-contain na ng LGU ang lahat ng mga kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19.