-- Advertisements --
image 430

Nagpahayag ng pagsuporta ang shipping industry kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.

Ito ay sa kabila pa rin ng naunang alegasyon na ibinunyag ng dating opisyal ng LTFRB na si Jeff Tumbado, ukol sa umanoy mga ‘under the table’ transactions na nangyayari sa LTFRB na isa sa mga sangay ng DOTr, na kinalaunan din nitong binawi.

Sa panig ng Philippine Coastwise Shipping Association Inc. (PCSA), ang pinakamalaking organisasyon ng mga shipowners sa buong bansa, kilala nila si Sec baustista bilang mabuting opisyal na agad tumutugon sa mga problema sa maritime sector, mapa-lokal man o international.

Sinabi rin ng grupo na ang mga alegasyon ay walang basehan at malinaw na paninira lamang sa reputasyon ni Sec. Bautista.

Maliban sa kawalan ng ebidensya, sinabi ng grupo na maaaring may iba pang intensyon ang paninira kay Bautista, at pag-uugnay sa kanya sa mga isyu ng korupsyon.

Samantala, tinukoy naman ng grupo si Bautista bilang “transparent, ethical, at professional,” sa loob ng kanyang pagsisilbi sa pamahalaan.