-- Advertisements --

Nakatakdang magsimulang lumayag ang itinuturing na pinakamalaking cruise ship sa buong mundo.

Magsisimula ang paglalayag nito sa Miami, Florida ang 365 metrong haba na “Icon of the Seas”.

Mayroon itong 20 decks at kayang magdala ng 7,600 na pasahero na pag-aari ng Royal Caribbean Group.

Ginawa ito sa shipyard ng Turku, Finland at ang Bahamas-registered ship ay mayroong pitong swimming pools at anim na water slides.

Nagkakahalaga ito ng $2 bilyon na matatagpuan dito ang 40 na restaurants, bars at mga lounges.

Maglalayag ng pitong araw sa Caribbean ang nasabing cruise ship.