-- Advertisements --

Sinabi ni Kyiv City Mayor Vitali Klitschko na isang paraan daw ng pag “mi-middle finger” ni Russian President Vladimir Putin ang pinakabagong naging pag-atake nito sa kanilang lungsod.

Kasunod ito ng pinasiklab na missile attack ng puwersa ng mga Russo sa lungsod ng Kyiv sa Ukraine na puminsala sa sampung sibilyan at kumitil sa buhay ng isang indibidwal doon.

Ang naturang insidente ay itinuturing na pinakamalalang pag-atake ng Russia sa nasabing lugar simula nang umatras ang Russian forces dito matpos na bigong masakop ang kabisera ng Kyiv.

Samantala, sinabi nman ni Ukrainian political analyst at Kyiv-based Penta Center think-tank head, Volodymyr Fesenko na may kalakip na mensahe ang missile attack na ito ng Russia na nagbibigay-diin sa intensyon ng nasabing bansa na ipagpapatuloy nito ang sinimulang digmaan sa kabila ng mga pressure at kaparusahan na ipinapataw dito ng iba’t-ibang bansa.

Sa ngayon ay tumutulak na ang Russia sa easter industrial region ng Ukraine na Donbas region na una nang sinabi ng Kremlin na main objective nito.Top