Nanawagan ang Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa mga kalapit bansa nito sa Southeast Asia pati na rin sa Korea, China, at Japan na palakasin pa ang kooperasyon sa bawat isa sa harap na rin ng banta ng COVID-19.
Sa kasagsagan ng 22nd ASEAN Plus Three (APT) Foreign Ministers Meeting, sinabi ng DFA na bukas ang Pilipinas sa mga panibagong pagkakataon para sa recovery at sustainable growth.
“We collectively adapted to regional challenges unforeseen before the pandemic, and this assures me that we (the ASEAN Plus Three) will overcome,” saad ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa talumpati nito.
Hinimok din ni Locsin ang ASEAN Plus 3 na i-stabilize ang umiiral nang supply chains at suporthan ang mga bago, palakasin ang connectivity, at tiyakin din ang ligtas na paggalaw ng mga tao, pati na rin ang pagpapalakas sa economic ties ng bawat isa.
“The Regional Comprehensive Economic Partnership is an opportunity to demonstrate that the road to recovery is one where all are equal partners. We look forward to its entry into force soon,” dagdag pa nito.
Nanawagan din ang kalihim nang pagkakaisa, at sinabi na wala dapat ang mapag-iwanan sa panahon ngayon.