Pumalo sa 2.50 milyong Pilipino ang walang trabaho o kabuhayan edad 15 anyos pataas noong Mayo 2026, batay sa pinakabagong Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Tumaas ito mula sa 2.41 milyong Pilipino na walang trabaho o kabuhayan noong Abril 2026. May katumbas itong 4.8% na unemployment rate noong Mayo mas mataas kesa sa 4.7% noong Abril.
Sa isang press conference ngayong Miyerkules, Hulyo 8, ipinaliwanag ni PSA chief USec. Claire Dennis Mapa na ang year-on-year na pagtaas sa jobless rate ay bunsod ng pagkawala ng trabaho sa sektor ng agrikultura, na marahil ay dahil sa pagsisimula ng El Niño phenomenon.
Pagdating naman sa underemployment rate o porsyento ng mga mangggawang may trabaho na pero naghahanap pa rin ng ekstrang trabaho o oras sa trabaho, bumaba ito sa 12.2% mula sa 15.2 % noong Abril.
Samantala, nakitaan ng malaking pagbaba ang employment rate mula sa 91.5% noong Mayo 2025, tungo sa 87.6% noong Mayo 2026.















