-- Advertisements --
Nakuha ng Pilipinas ang Guinness World Record para sa pinakamalaking Human Lung Formation.
Nanguna ang Department of Health sa nasabing programa bilang pagpapakita laban sa sakit na tuberculosis para sa World TB Day 2024.
Kasama ng DOH ang iba’t-ibang ahensiya para formation na nagsimula ng dakong ala-5 ng umaga nitong Sabado sa Quirino Grandstand.
Mayroong kabuuang 5,596 ang nagsama-sama para mabuo ang human lung formation.
Tinalo ng Pilipinas ang India na mayroon lamang 5,007 na mga katao ang lumahok para sa nasabing lung formation.