Nakasungkit ng gintong medalya ang kinatawan ng Pilipinas na Philippine Accessible Disability Services (PADS) Adaptive Dragon Boat Team sa unang araw ng karera sa nagpapatuloy na IDBF 13th Club Crew World Championship na ginanap sa Sarasota, Florida USA.
Ito ang unang ginto ng koponan matapos ang kanilang pagsabak sa 2000m race distance- PD2 Category.
Binubuo ang Cebu-based team ng mga indibidwal na may kapansanan.
Maliban sa 2,000 meter course, makipagpaligsahan din ang koponan sa 200-meter at 500 meter.
Una nang inihayag ng grupo na isang hamon pa umano para sa kanila na ito ang unang pagkakataon na sasabak sila sa new open for dragon category.
Tatagal naman ang kumpetisyon sa Hulyo 24 ng kasalukuyang taon.
Matatandaan na itinanghal ang mga ito na back-to-back champion sa 2017 at 2018 Hong Kong Dragonboat Festival, at kampeon sa 1st Paradragon Category sa IDBF World Championship noong 2019 sa bansang Thailand.