-- Advertisements --

japanphil1

Napag-usapan ng Pilipinas at Japan ang pagsulong ng joint military exercises sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Japanese Self Defense Force (JSDF).

Bahagi ito ng mas malawak na kooperasyong pandepensa ng dalawang bansa na tinalakay sa Inaugural Japan-Philippines Foreign and Defense Ministerial Meeting (“2+2”) sa Tokyo, Japan.

Kasama sa naturang pulong sina Japanese Foreign Affairs Minister Hayashi Yoshimasa at Japanese Minister of Defense Kishi Nobuo; Secretary of Foreign Affairs Teodoro L. Locsin, Jr. at Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Bilang pagpapalakas ng relasyong pandepensa ng Pilipinas at Japan, napagkasunduan ng mga opisyal ang pagpapalawig ng paglilipat ng kagamitang pandepensa at teknolohiya.

Gayundin ang pagbuo ng “framework” para sa mas madalas na “reciprocal visits” sa pagitan ng mga militar ng dalawang bansa.