-- Advertisements --

Humingi na ng paumanhin si Pia Wurtzbach ay Ricky Lee matapos na maitulak siya ng kaniyang security personnel.

Naganap ang insidente sa pagdalo nilang dalawa sa Manila International Book Fair.

Sa kumalat kasi na video ay makikita na binabati ng beauty queen ang national artist pero isa sa kaniyang bodyguard ay hinawi ito.

Sinabi nito na nakausap na niya ang national artist at sinabing hindi niya ito kasalanan.

Una ng sinabi ni Lee na naging hindi maganda ang ugali ng isang guwardiya ni Pia na dapat ay hindi ito hayaan na maulit pa.