-- Advertisements --

Napaiyak dahil sa sobrang tuwa ang isang Boholano matapos nakita ang pangalan nitong kabilang sa Top 10 ng 2022 Physician Licensure Examination.

Nakatuntong sa ika-sampung pwesto si Mark Johnuel Matabilas Duavis na nakakuha ng 87.08% rating.

Sa naging panayam ng Star Fm Cebu kay Duavis, sinabi nitong kinailangan umanong maglaan ng oras at maraming mga isinakripisyo bago niya nakamit ito.

Isa pa umano sa malaking hamon na kanyang pinagdaanan ay ang paghihintay ng anim na taon para makapasok sa isang medschool.

Sinabi pa nito sa kanyang pagtatapos sa nursing school, nagtrabaho muna siya bilang public nurse sa Department of Health(DOH ) para matustusan ang kanyang pag-aaral dahil walang sapat na kapasidad ang kanyang mga magulang na pag-aralin pa ang dalawa niyang nakbabatang kapatid.

Samantala, niregalohan ang 31 anyos ng bagong kotse ng UC School of Medicine – Mandaue bilang insentibo sa kanyang pagkapasok sa Top 10 ng board exam.

Nagbigay naman ito ng payo sa mga may mga upcoming examinations na gawin ang lahat ng makakaya at huwag susuko sa pag-abot ng mga pangarap.