-- Advertisements --

BAGUIO CITY–Kailangan pa ring masunod ang physical distancing kahit sa loob ng tahanan lalo na sa mga frontliners at indibidwal na palaging lumalabas sa bahay.

Ayon kay Dra. Donna Tubera- Panes ng Baguio City Health Services Office, malaking tulong ito para maiwasan ang posibleng pagkalat ng covid-19 virus sa loob ng tahanan.

Ipinapayo ng opisyal na hangga’t maari ay dapat maiwasan ang pagsasabay-sabay sa pagkain ang magkakapamilya kung may mga miyembro na laging lumalabas sa bahay.

Irenirekomenda ni Dra. Panes ang salitan ng mga miyembro ng pamilya sa hapag-kainan para matiyak ang three meter distance base sa pag-aaral ng mga eksperto.