Inilabas ng US State Department ang mga phone records na magdidiin sa Trump administration sa pakikipag-kuntsaba umano nito sa Ukraine.
Ibinahagi ang mga nasabing dokumento sa American Oversight matapos ang ang inihain nitong freedom of information request.
Makikita umano sa mga records ang pag-uusap sa pagitan nina Secretary of State Mike Pompeo at personal lawyer ni Trump na si Rudy Giulani noong Marxh 27 at 29.
Naganap naman ang ikalawang phone call matapos magpadala ng email ng isa sa mga staff ni Giulani sa personal assistant ni Trump na si Madeleine Westerhout kung mayroon itong personal number ni Pompeo.
Hanggang ngayon ay mainit pa rin ang usapin ng impeachment investigation laban sa mga akusasyon kay Trump dahil sa hindi nito pagbibigat ng military aid sa Ukraine kung hindi iimbestigahan si Joe Biden.