-- Advertisements --

Nakuha ng Phoenix Super LPG Fuel Master ang solong ikalawang puwesto ng 2023-24 PBA Commissioner’s Cup matapos talunin ang Meralco Bolts 93-83 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Nanguna sa panalo ng Fuel Master si Jason Perkins na nagtala ng 27 point habang mayroong 19 points at 15 rebounds ang import na si Jonathan Williams III.

Nakapag-ambag naman ng 13 points, limang rebounds, tatlong assists at isang steal si RJ Jazul.

Dahil sa panalo ay mayroong walong panalo at dalawang talo na ang Phoenix na tiyak na ang twice-to-beat advantage.