-- Advertisements --

Binawi na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang tsunami advisory nito para sa minor sea-level disturbances kasunod ng magnitude 6.5 na lindol na tumama sa karagatang sakop ng Balut Island, Davao Occidental.

Sa abiso ng PHIVOLCS, sinabi nitong wala silang naitalang hindi pangkaraniwang pagbabago sa lebel ng dagat sa loob ng tatlong oras matapos ang lindol.

Wala rin umanong natanggap na ulat mula sa mga apektadong lugar tungkol sa anumang kakaibang pagtaas o pagbaba ng tubig-dagat.

Dahil dito, tuluyan nang kinansela ng PHIVOLCS ang naunang tsunami information na inilabas para sa Sarangani, Davao Occidental, at General Santos City.