-- Advertisements --
Kahit na nabigo sa bronze medal match laban sa Chinese Taipei ang Philippine national women’s softball team na RP Blu Girls sa 2023 Women’s Softball Asia Cup ay nakatiyak na sila sa puwesto para sa paparating na World Cup.
Nasa ranked 30 sa buong mundo ang Pilipinas sa women’s softball.
Tinalo sila ng Chinese Taipei na nasa ranked no. 3 sa score na 10-5 sa bronze match na ginanap sa Incheon, South Korea.
Gaganapin naman sa Italy sa susunod na taon ang World Cup.