-- Advertisements --
image 76

Bumaba ang Philippine gross international reserves (GIR) noong buwan ng Nobyembre.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ito ay dahil na rin sa outflows mula sa mga bayad ng gobyerno sa kanilang debt obligations.

Base sa datos na inilabas ng central bank ang gross international reserves ay nasa $93.954 billion o katumbas na P5 trillion noong nakaraang buwan mula sa dating $94.027 billion noong buwan ng Oktubre at $107.723 billion noon November 2021.

Sinabi ng BSP na ang pinakahuling level ay katumbas ng 7.5 months’ worth ng imports ng mga goods at bayad ng mga services at primary income.

Nasa 6.9 times ito na short-term external debt base sa original maturity at 4.2 times base sa residual maturity.

Base sa pinakahuling datos mula sa Bureau of the Treasury (BTr), ang running dept ng pamahalaan ay naitala sa all-time high na P13.64 trillion noong katapusan ng buwan ng Oktubre mula sa dating P13.517 trillion.