-- Advertisements --
cropped LRTAp 1

Muling kinilala ng Philippine Railway Institute ang Light Rail Transit Authority (LRTA) bilang “Top Performing Railway Operator” sa kanilang 3rd Founding Anniversary sa LRT-1 Command Center sa Pasay City.

Dahil dito, muling tumanggap ng parangal ang Light Rail Transit Authority dahil sa mahusay at epektibo nitong pagseserbisyo para sa pagpapaunlad ng sektor ng transportasyon.

Ang naturang parangal ay ipinagkaloob matapos na makamit ng LRTA personnel ang pinakamataas na passing rate sa Comprehensive Examination for Competency Requirement for Railway Personnel para sa taong 2022.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng LRTA sa mga natanggap na parangal at pagkilala mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ngayong taon.

Ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, nagpapasalamat siya sa mga kawani ng LRTA dahil sa kanilang pagsusumikap at dedikasyon sa trabaho.

Aniya, ang pagnanais nila na maging mahusay sa railway industry ay tiyak na makatutulong sa pagbibigay ng mas mahusay na serbisyo sa mga pasahero.