-- Advertisements --
sabong 2

Inatasan na rin ni Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. ang lahat ng National Support Unit ng pambansang pulisya na tulungan ang Criminal Investigation and Detection Group para sa tuluyang pagresolba sa kaso ng mga nawawalang 34 na sabungero.

Kasunod ito ng mga panibagong development na natuklasan ng nasabing hanay ng pulisya kung saan nasampahan na rin ng reklamong kidnapping at serious illegal detention sa Department of Justice ang dalawang bagong suspek sa naturang kaso na kinilala bilang sina Julie A Patidongan o alyas Dondon at isang John Doe.

Ayon kay Azurin, sa ngayon ay puspusan pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol dito upang agad na matumbok kung sino talaga ang utak sa likod nito at para makumpirma na rin kung mayroon pa bang “proof of life” ng mga nawawalang sabungero.

Kung maaalala, nitong Biyernes lamang ay magkatuwang na pinulong ng Department of Justice at Philippine National Police ang mga pamilya ng mga missing sabungero upang bigyan sila update hinggil sa gumugulong na kaso sa pagkawala ng mga ito.