-- Advertisements --

Nakahanda na ngayon ang Philippine men’s football team laban sa Tajikistan para sa 2027 AFC Asian Cup Qualifiers.

Maghaharap mamayang gabi ang dalawa sa home court ng Tajikistan.

Parehas kasi na mayroong apat na panalo at isang draw ang Pilipinas at Tajikistan sa Group A.

Ayon kay Philippine men’s football team coach Carles Cuadrat na kailangan nilang makakuha ng tatlong puntos para makapag-qualify sa susunod na AFC Cup.

Sa huling paghaharap kasi nila na ginanap sa Clark ay nagtapos ang laban sa 2-2 draw.

Nagsagawa ng training camp ang mens footbal team ng bansa sa Turkey kung saan kumpiyansa si Cuadrat na mahihigitan ng mga Pinoy ang mga manlalaro ng Tajikistan.