-- Advertisements --
weena camp AFP camsur
Camp Weene Martillana

Inihayag ng Philippine Fleet na binuksan na nito sa publiko ang pinakamodernong mga barkong pandigma at mga ari-arian nito bilang pagdiriwang ng ika-87 anibersaryo ng pagkakatatag ng Armed Forces of the Philippines (AFP)

Sa isang pahayag, sinabi nito na pinayagan na ang publiko na bumisita at maglibot sa limang barkong nakadaong sa Naval Operating Base sa Subic, Zambales mula Dec.15 hanggang Dec. 21, 2022.

Ayon sa Philippine Fleet, pinahihintulutan na ang mga sibilyan mula sa iba’t ibang local government units, local government agencies, at residente sa Zambales na bisitahin ang mga asset na ito upang ipakita ang kanilang mga kakayahan at modernisasyon.

Dagdag pa dito, ginawa rin ito upang maakit ang mga kabataan na maaaring interesadong sumali sa organisasyon para sa hinaharap o para sa kanilang mga pangarap.

Una na rito, iginiit ng Philippine Fleet ang mga tripulante ng mga barko ay pinaunlakan ang mga stakeholder na ito, at itinuon ang mga ito sa pinagsama-samang sistema ng mga barko, gayundin ang kahalagahan ng barko sa shiplife ng isang indibidwal o miyembro ng Armed Forces of the Philippines. | Bombo Allaiza Eclarinal