-- Advertisements --

Wala pa ring natatanggap na impormasyon ang Philippine Embassy sa Kuala Lumpur sa Malaysia kung may nadamay na Filipino sa naganap na landslide sa Selangor state.

Ayon sa embahada ng bansa doon na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa grupo ng mga Filipino sa Malaysia.

Patuloy din kanilang monitoring sa nasabing insidente.

Magugunitang nasa 16 katao ang nasawi at marami ang nawawala matapos ang landslide sa isang campsite malapit sa Genting Highland.