Philippine Army units at Reservists, nakipag-ugnayan na sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor para sa mabilis na paghahatid ng tulong sa mga apektado ng bagyong Karding (loop: nasa viber / gen brawner / karding loop)
Todo ngayon ang pagtitiyak ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. na nakahanda ang Philippine Army units at Reservists na makipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at pribadong sektor.
Ito ay para sa mabilis na paghahatid ng tulong sa mga apektado ng bagyong Karding na nanalasa kagabi hanggang madaling araw.
Nasa 200 tauhan ng Army standby force at transportation assets ang naka-alerto ngayon sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio para agad na rumesponde sa mga mangangailangan ng tulong sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.
Una rito, magdamag na naka-monitor ang mga tauhan ng Philippine Army sa Army Operations Center (AOC) sa pananalasa ng super typhoon Karding para sa mabilis na paglulunsad ng Humanitarian and Disaster Relief (HADR) Operations.