-- Advertisements --
trinidad1

Inanunsyo ng Philippine Army (PA) na pinakilos nito ang lahat ng humanitarian assistance and disaster response units nito para magbigay ng tulong sa mga komunidad sa Metro Manila at ilang bahagi ng Eastern Visayas na maaaring maapektuhan ng malakas na pag-ulan dala ng Low Pressure Area o LPA.

Ayon sa tagapagsalita ng Philipine Army na si Col. Xerxes Trinidad, ang 525th Engineer Combat Battalion, 51st Engineer Brigade, ay nagpakilos ng dalawang light urban search-and-rescue team para sa posibleng mga pagsisikap ng humanitarian assistance and disaster response para sa mga lugar na madaling bahain sa Metro Manila sa gitna ng mga pag-ulan na dulot ng low-pressure area na kasalukuyang nakakaapekto sa Luzon at Eastern Visayas.

Idinagdag niya, ang Philippine Army ay nakikipag-ugnayan na sa mga local government units na maaaring mangailangan ng kanilang tulong.

Samantala, sinabi ni Trinidad na ang Eastern Visayas-based 802nd Infantry Brigade ng 8th Infantry Division ay naglagay ng kanilang humanitarian assistance and disaster response teams na naka-standby na.

Una rito, ang mga miyembro ng Philippine Army ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagsagip, pagtulong, at mga pagsisikap sa rehabilitasyon para sa mga komunidad na apektado ng anumang kalamidad na nakakaapekto sa bansa.