-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth na kanilang  tutuparin ang kanilang pangako kay PBBM na maisakatuparan ang mga target accomplishment upang maisama sa papalapit na SONA

Ginawa mismo ni PhilHealth President Emmanuel Ledesma sa pagpapasinaya ng Philippine Cancer Center.

Sinabi ni Ledesma na sa pag-upo pa lamang niya bilang  pinuno ng state health insurer ay tiniyak na niya kay PBBM ang pagpapahusay ng kanilang mga serbisyo para sa bawat Pilipino.

Dahil, dito ay positibo ang opisyal na sa darating na SONA sa Hulyo ay marami sa mga napagtagumpayan ng gobyerno na ilalahad ng punong ehekutibo ay mula sa Philhealth at Department of Health (DOH).

Pinasalamatan rin ni Ledesma si Speaker Martin Romualdez na siyang nagtutulak upang mapaganda ang mga programa ng ahensya.

Tutulong rin aniya ang Philhealth sa mga sa paglaban ng mga cancer patient sa kanilang sakit.

Kung maaalala, tinaasan na rin ng Philhealth ang benefit package ng breast cancer sa ₱1.4 billion mula sa dating ₱100,000 sa ilalim ng Z benefit package. (With reports from Bombo Victor Llantino)