-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng PilHealth ang mga napaulat na kaso nang “upcasing” na ginagawa ng mga ospital at healthcare providers sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa tagapagsalita ng ahensya na si Sherley Domingo, ang ibig-sabihin ng salitang upcasing ay kung ang isang naka-confine na tao ay naka-tag bilang COVID-19 case para makakuha ng mas malaking reimbursements mula sa PhilHealth kahit minsan ay ubo’t sipon, o obang sakit ang dahilan nang pagkaka-ospital.

Tiniyak naman ni Domingo ang due process sa imbestigasyon na ginagawa ng kanilang legal division hinggil sa issue na ito.

Sa oras na mapatunayan na ang isang ospital ay sangkot nga sa upcasing, sinabi ni Domingo na posibleng babawiin nila o hindi kaya ay sususpendihin ang PhilHealth accreditation nito.