-- Advertisements --
Nakipagpulong si PhilHealth president/CEO Dante Gierran sa mga opisyal ng Commission on Audit (COA) para talakayin ang sitwasyon ng pondo ng health insurance corporation.
Sinabi ni PhilHealth spokesman Rey Balena, iniharap ng COA ang kanilang obserbasyon sa pondo ng PhilHealth.
Ayon kay Balena, nakasaad sa report ang posibleng pagbalasa sa mga opisyal ng PhilHealth pero bahala na si Gierran na mag-anunsyo.
Sa ngayon, abala umano si Gierran sa pagbuo ng plano sa PhilHealth at isusumite ito kay Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng 15 araw.