-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng grupo ng mga ospital sa bansa ang sinasabi ng Department of Health na sila ang dahilan kung bakit mayroong delay sa disbursement ng special benefits ng mga medical frontliners.

Ayon kay Dr. Jose Rene Grano, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc (PHAPi). ang dapat sisihin sa issue na ito ang bureaucratic system sa DOH mismo.

Sa kanyang tantya, nasa kalahati ng mga private healthcare workers ang hindi pa rin nakakatanggap ng special risk allowance at hazard pay dahil sa wala pang memorandum of agreement hanggang sa ngayon ang mga private hospitals at DOH.

Sinabi ni De Grano na kailangan ng MOA bago pa man mailabas ang naturang mga benepisyo.

Samantala, itinaggi rin nito ang sinabi ng DOH na hindi pa nakakapagbigay ng mga requirement ang mga private hospitals patungkol sa SRA at hazard pay.

Sa katunayan, karamihan na nga sa kanila na mga private hosptals ay tapos nang magsumite ng mga kaukulang dokumento at sa ngayon ay hinihintay na lang din ang MOA.

PHAPi pumalag sa akusasyon ng DOH na sila ang dahilan ng delay sa benepisyo ng medical frontliners