Pormal nang inilunsad ng Pilipinas at Estados Unidos ang taunang “Cope Thunder” joint air exercises sa Clark Air Base, na tatagal hanggang Abril 17, habang ang flight operations ay gagawin sa Basa Air Base.
Ayon sa Philippine Air Force, layunin ng pagsasanay na palakasin pa ang interoperability at kahandaan ng dalawang puwersa, lalo na sa gitna ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea.
Gayunman, naapektuhan ang ilang aktibidad dahil sa pandaigdigang krisis sa langis bunsod ng pagharang sa Strait of Hormuz.
Tinanggal ang mga “non-essential” tulad ng flyby at binawasan ang personnel, habang ang ibang aktibidad ay ginaganap na lamang online.
Iginiit naman ng US Pacific Air Forces na mahalagang ipagpatuloy ang pagsasanay upang mapalakas pa ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos.
















