-- Advertisements --

Nagpulong ang top diplomats ng US, Pilipinas at Japan sa Tokyo bago ang nakatakdang trilateral leader’s summit na idaraos sa Abril 11.

Ayon kay US Department of State spokesperson Matthew Miller, nagpulong sina Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Ma. Theresa Lazaro, US Deputy State Secretary Kurt Campbell at Japanese Vice Foreign Minister Okano Masataka para pag-usapan ang ilang serya ng senior-level engagements na ginawa ng 3 bansa sa nakalipas na taon.

Sa naturang pagpupulong din, binigyang diin ng 3 diplomats ang kanilang kolektibong commitment para mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon partikular sa Timog at silangang bahago ng China Seas.

Tinalakay din sa trilateral cooperation ang defense and security, economic security and resilience, international law of the sea, freedom of navigation at people-to-people ties.

Ang pinakamahalagang parte naman ng kanilang pagpupulong ay ang pagplantsa pa ng mga plano para sa summit na gaganapin sa Washington sa Abril 11 sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr, US Pres. Joe Biden at Japanese PM Fumio Kishida.