-- Advertisements --

Tumutulong na rin ang Philippine Navy sa pagbabantay sa paligid ng Harbor Garden Tent sa Sofitel Hotel sa Pasay City na siyang sentro ng filing ng COC ng Comelec para sa national positions.

Nagsasagawa na rin nang pagpapatrolya ang Navy boats sa Manila Bay malapit sa CCP Complex.

Una rito sa panayam ng Bombo Radyo sa ilang opisyal, ang NCRPO ang nagbabantay rin sa perimeter ng Comelec tents upang magbigay ng reinforcements sa Pasay City PNP.

May itinalaga ring anti riot police sa dahilang may ilang mga politiko ang nagdadala ng maraming supporters na mahigpit na ipinagbabawal ng Comelec.

Samantala, napansin din ng Bombo Radyo nitong Sabado ng hapon ang advance party ng Pangulong Rodrigo Duterte na convoy ng Presidential Security Group (PSG) upang i-secure ang lugar.