-- Advertisements --

Inaasahan na mas maraming mga kaso ng COVID-19 na maitatala sa mga susunod na linggo dahil sa nakikitang panibagong peak ng infections ayon sa Department of Health.

Kayat maigting na binabantayan ngayon ng kagawaran ang National Capital Region(NCR) na nakitaan ng significant inrease sa kaso ng COVID-19 na ngayon ay nasa 70%.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dumoble pa ang average nukber ng mga kaso sa rehiyon kumpara sa nakalipas na linggo at umakyat ng 1.02 ang average daily attack rate.

Sa ngayon, ayon kay Vergeire nakikitang tuluy-tuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kaso lalo na sa Metro Manila at nakikitang ito ang hudyat ng peak sa bilang ng COVID-19 cases sa mga susunod na linggo.

Liban pa sa NCR, nakabantay din ang kagawaran sa pagtaas ng COVID-19 cases sa locos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, at Northern Mindanao.

Sa kabila ng nakitag pagtaas sa mga kaso, patuloy pa rin na pinapaalalahanan ng DOH ang publiko na maging maingat at nanindigan na hindi pa nakakaranas sa ngayo ng panibagong COVID-19 surge ang bansa.