Pangalawa ang Pilipinas sa pinakamasayang bansa sa Southeast Asian region.
Pagdating naman sa 2024 World Happiness Report ng United Nation, ika-53 ang Pilipinas, tumaas ito mula sa 76th spot noong 2023.
Naungusan naman ng Singapore ang PH na nasa pang-30 sa 2024 World Happiness report habang nangunguna naman ito sa pinakamasayang bansa sa buong Southeast Asian region.
Sa isinagawang survey, tinanong ang mga Pilipino na i-rate ang kanilang pamumuhay sa scale ng 1 hanggang 10 kung saan lumabas na generally happy ang mga Pinoy.
Samantala, pagdating sa ratings naman ng mga bansa sa Southeast Asia, pang-54 na pwesto ang Vietnam, Thailand (58th); Malaysia (59th); Indonesia (80th); Laos (94th); Myanmar (118th); at Cambodia (119th).
Sa 2024 World Happiness Report naman, ang China ay nasa ika-60 pwesto, Japan (51st) at South Korea (52nd).
Una rito, lumabas sa report na ang Finland ang pinakamasayang bansa sa 7 sunod na taon na tahanan ng 5.5 million Finnish.