Naktakdang magpadala ang Pilipinas ng humanitarian contingent para magbigay ng tulong sa nasalanta ng lindol sa Morocco.
Ayon kay NDRRMC Undersecretary and Civil Defense Administrator Ariel Nepomuceno, ang nangyari sa Morocco ay isang paalala sa lahat na dapat ay patuloy na maghanda laban sa banta ng mga lindol.
Tinitingnan aniya ng ahensya ang posibleng deployment ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) para tumulong sa Morocco.
Matatandaan na isang magnitude 6.8 na lindol ang tumama sa Morocco noong Biyernes, Setyembre 8.
Mahigit 2,900 katao naitalang mga namatay sa nasabing malakas na lindol.
Sa kabilang banda, sinabi naman ng DFA na walang Pilipinong namatay sa naturang lugar.
Gayunpaman, may mga Pinoy na tumanggi na bumalik sa kanilang mga apartment dahil sa takot sa mga aftershocks.