-- Advertisements --

Patuloy ang panawagan ng Philippine Footbal Federation sa mga mamamayan ipagpatuloy ang pagdarasal sa magiging tagumpay ng laban ng Philippine Womens football team na Filipinas na makakaharap ang Norway sa nagpapatuloy na FIFA Womens World Cup.

Matapos kasi ang upset win ng Filipinas kontra sa host country ng New Zealand ay nakatoon na ang atensiyong ng marami sa mga Pinay footballers.

Gaganapin ang laban ng Filipinas sa Norway sa araw ng Linggo dakong alas-3 ng hapon.

Sinabi naman ni Philippine Football Federation (PFF) president Mariano Araneta na bagamat matinding kalaban ang Norway ay makikipagsabayan pa rin ang FILIPINAS.