Nirepaso na ng economic managers ng Pilipinas ang kanilang pagtaya sa peformance ng ekonomiya sa buong 2020 kung saan ikononsidera na ang pagsasailalim uli sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at karatig-lalawigan.
Sinabi ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, nasa -5.5 percent ang inaasahan ng Development Budget Coordination Committee na gross domestic product (GDP) ng buong taon dahil sa magiging epekto ng dalawang linggong MECQ.
Batay sa naunang projection ng DBCC hihina ang GDP ng bansa sa 2.0 percent hanggang 3.4 percent dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.
Maliban sa Metro Manila, kasama ring ibinalik sa MECQ ang Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite hanggang Agosto 18.
“The Development Budget Coordination Committee has revised the GDP estimates for this year to -5.5% and that incorporates already the effects of the MECQ (modified enhanced community quarantine),” ani Sec. Chua.
















