-- Advertisements --

Naniniwala ang Department of Finance na nagsisimula ng pumalo at makarekober ang ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Department of Finance Sec. Sonny Dominguez, nalampasan na umano ng bansa ang “worst situation” nito sa gitna ng COVID-19 crisis.

Ayon kay Sec. Dominguez, buwan ng Abril at Mayo ang itinuturing na “lowest peak” sa ekonomiya ng Pilipinas dahil na rin sa epekto ng pandemya.

Wala ring problema umano sa usapin ng liquidity dahil may perang gagastusin sa pagtugon sa problema ng COVID-19.

Inihayag ni Sec. Dominguez na maliban pa dito ang pagiging mababa ng inflation rate habang pinakamalakas pa rin sa Asya ang Philippine peso currency.