-- Advertisements --

Iniutos ng Philippine Army (PH ARMY) sa Army Signal Regiment (ASR) na ipagpatuloy ng mas pagpapalakas ng mga kapasidad ng kanilang hanay para malabanan ang cyberspace ng bansa mula sa mga cyber threats.

Sa isang pahayag, kinilala ni PH Army Commander Lt. Gen. Roy Galido ang ASR yunit para sa kanailang dterminasyon na maprotektahan at maingatan ang cybersecurity ng bansa sa loob ng higit 14 taon.

Sa panahon kung saan laganap din ang mga pagbabago sa teknolohiya gayundin ang mga advancement ng cyber threats, malaking bagay umano ang ginagampanang bahagi ng ASR sa pagtiyak ng proteksyon at maging ng seguridad ng cyber domain ng Pilipinas.

Dagdag pa ni Galido, are ASR ang magsisislbing paunang depensa ng bansa pagdating sa digital defense, pagiingat sa mga pangunahing networks sa bansa at maging ang ppagiingat sa mga kritikal na impormasyon na matatanggap ng bansa.

Samantala, kinomenda naman ni Galido ang mga naging kontribusyon ng yunit dahil sa kanilanga exceptional delivery ng maaasahang mga signal services at maging ang kanilang pagiging importanteng pundasyon ng kanilang mga military operations.