-- Advertisements --
Pinuri ng Philippine Ambassador to Jordan ang lakas at katatagan ng mga stranded na Pilipino sa Gaza.
Ibinahagi ni Ambassador Wilfredo Santos na napanatili ng mga Pilipino ang kanilang sense of bayanihan and community sa kabila ng mga panganib.
Samantala, naghihintay pa rin ang mga Embahada ng Pilipinas sa Cairo at Israel na payagan ng Egyptian government ang pagtawid ng mga dayuhan sa Gaza sa pamamagitan ng Rafah Border kasunod ng pagpasok ng humanitarian aid sa Gaza.
Sa ngayon, wala pa ring balita tungkol sa posibleng time frame para sa muling pagbubukas ng border