Nilinaw ng Philippine General Hospital (PGH) na ang pagkapuno ng mga pasyente sa kanilang emergency room na umabot na sa 200% capacity ay hindi dahil sa COVID-19.
Ayon kay PGH spokesman Jonas del Rosario, mayroon lamang 70-person bed capacity ang kanilang emergency room na ngayon ay mayroong 150 pasyente ang naka-admit kung kayat maramimg mga pasyente na ang hindi matanggap sa kanilang ER.
Paliwanag ni del Rosario na karamiohan sa mga pasyente ay mayroong sakit na non-COVID-19 related gaya ng pneum,onia, diabetes, heart diseases, lung diseases at kidney illness.
Mayroon din aniyang mga pasyente na dinadala sa PGH na mula sa ibang mga ospital.
Aniya, halos isang buwan na ring nakakaranas ng pagdagsa ng mga pasyente sa emergency room ng PGH lalo na sa huling dalawang linggo.
Para masolusyunan ito ayon kay del Rosariom minomonitor na anila ang mga wards para maasikaso ang pag-discharge ng ibang mga pasyente, nakikipag-ugnayan na rin sila sa iba pang mga ospital para maitransfer ang iba pang mga pasyente.
Nagdagdag na rin ang osipta ng nasa 10 hanggang 15 kama para maaccommodate ang karagdagang pseyente.
Sinuspendi na rin ng PGH ang kanilang elective procedures sa ngayon para makapagpokus ang kanilang staff sa emergency cases.
Pinapayuhan naman ang mga pasyente na nais magpaadmit sa PGH na magtungo sa kanilang local hospitals o secondary provincial hospitals kung hindi emergency cases.
Sa ngayon ayon kay del rosario, mas mababa na sa 20 ang kanilang pasyente na may COVID-19 kung saan karamihan ay nakakranas lamang ng moderate symptoms.