-- Advertisements --

Pasok na sa finals ng 2022 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference ang PetroGazz Angels.

Ito ay matapos talunin nila ang Cignal HD Spikers sa seocre na 25-21, 28-26, 15-25, 25-21 sa kanilang do-or-die game na ginanap sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Itinuturing na bayani ng laro ang beteranang setter na si Chie Saet sa extended na ikalawang set.

Naging malaking kawalan kasi sa Cignal HD matapos na magtamo ng cramps sa second set ang kanlang skipper na si Rachel Anne Daquis.

Ito na ang pangatlong Finals appearance ng koponan na nagwagi ng 2019 Reinforced Conferenc at runners-up ng 2019 Open Conference.

Makakaharap ng Angels ang Creamline Cool Smashers habang paglalabanan ng HD Spikers at Choco Mucho Flying Titans ang Bronze medals.