Umaani ngayon ng pagbati sina Olympian boxers Nesthy Petecio at Carlo Paaman para magdadala ng watawat ng ating bansa sa pagbubukas ng 2024 Paris Olympics.
Pinuri sila ng kanilang mga kapwa atleta at maging ng mga fans mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Una rito, kinumpirma ni Philippine Olympic Committee (POC) President Bambol Tolentino na ang dalawang fighter ang magsisilbing flag-bearers para sa Pilipinas.
Ito na ang ikalawang pagsabak sa Olympics ng dalawang boksingero, matapos ang kanilang silver-medal-debut sa 2021 Tokyo Olympics.
Bukod sa kanila, qualified na rin sa Olympics ay sina Ernest John “EJ” Obiena, Carlos Yulo, Samantha Catantan, Aleah Finnegan, Emma Malabuyo, Levi Ruivivar, Joanie Delgaco, John Ceniza, Elreen Ando at Vanessa Sarno.