-- Advertisements --
cropped BJMP New Bilibid Prison 19

Piinapayagan na muli ang face to face visitation sa mga piitan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) bilang maagang pamasko sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

Ayon umano ito kay BJMP Chief Director Allan Iral kung saan magsisilbing maagang pamasko sa mga PDL na ngayon ay makikita na ang kanilang pamilya.

Kung matatandaan, dahil sa pandemya, ipinagbawal umano ang pagbisita sa mga piitan dahil sa banta ng pagkalat ng COVID-19 sa mga kulungan.

Sa ngayon, dahil punuan pa rin sa mga kulungan at pag-iingat sa banta ng COVID-19, nasa 25% lamang ang papayagang madalaw na mga PDL kada araw.

Tanging mga immediate family lamang ang pinapayagang mag-avail ng face to face visitation.

Samantala, tuwing araw ng Martes, Miyerkukes at Huwebes, 1pm-5pm ang pagbisIta habang sa
Sabado at Linggo ay 8am-12pm at 1pm-5pm ang schedule ng pagbisita.

Maaari paarin namang gamitin ang e-dalaw para sa hindi makakapag-aavail ng face to face visitation. | Bombo JC Galvez