-- Advertisements --

Nabiktima ng computer hacking ang personal email ni FBI Director Kash Patel.

Hinihinalang nasa likod nito ay konektado sa Iranian government.

Nag-post sa internet ang hackers ng mga larawan na galing sa email ni Patel bago kumpirmahin ng FBI director na na-hack ang kaniyang email.

Ang ninakaw na email ay lumalabas na mula 2011 at 2022 kung saan lumabas ang personal, business at travel correspondence.

Tinawag pa ng hacking group ang breach bilang “impenetrable” ang sistema ang FBI.

Magugunitang makailang ulit nagbigay ng babala ang mga US intelligence officials sa posibilidad na may kinalaman sa hackers mula sa Iran.

Taong 2024 ilang linggo bago maitalaga sa FBI si Patel ay binalaan siya na tinatarget siya ng mga Iranian hackers.