Itinanggi ng Pentagon ang reports na nagbibigay ito ng ‘specific targeting information’ sa Ukraine para lumubog ang isang barkong pandigma ng Russia sa Black Sea.
Ayon kay Pentagon press secretary John Kirby, hindi sila nagbigay sa Ukraine ng partikular na impormasyon sa pag-target para sa Moskva.
Hindi sila kasali sa desisyon ng mga Ukrainian na hampasin ang barko o sa operasyon na kanilang ginawa.
Wala silang paunang kaalaman sa layunin ng Ukraine na i-target ang barko.”
Magugunitang, inangkin ng Ukraine na kanilang pinalubog ang barko ng dalawang Neptune anti-ship missiles noong kalagitnaan ng Abril.
Lumubog ang barko habang hinahatak ito pabalik sa daungan para ayusin.
Sinabi naman ng Russia na ang pinsala sa barko ay resulta ng detonation ng mga bala.